Drug suspek patay sa engkwentro sa Laguna

By Justinne Punsalang October 02, 2018 - 05:23 AM

Dead on the spot ang isang tulak ng iligal na droga matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy bust operation ng mga pulis sa Barangay San Antonio sa San Pedro City, Laguna.

Kinilala ang nasawing suspek na si Jessie Salvador.

Ayon sa pulisya, nakatunog si Salvador na pulis pala ang katransaksyon kaya naman bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad.

Dahilan ito upang gumanti ng putok ang mga pulis at nauwi sa engkwentro ang operasyon na ikinasawi ng suspek.

Narekober mula dito ang isang plastic sachet ng shabu at isang kalibre 45 baril.

TAGS: drugs, laguna, San Pedro, drugs, laguna, San Pedro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.