Malakanyang, ikinatuwa ang pagtaas ng rating ni Pangulong Duterte

By Justinne Punsalang October 02, 2018 - 05:22 AM

Masaya ang Palasyo ng Malacañan sa naging resulta ng panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 70% ng mga Pilipino ang kunteto sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makikita lamang sa +54 na net satisfaction rating ng pangulo na nauubusan na ng ibabatong isyu ang mga kritiko ng pangulo.

Aniya pa, inakala umano ng mga kritiko ni Pangulong Duterte na patuloy na sasadsad ang rating ng punong ehekutibo ngunit hindi aniya ito mangyayari.

Ngunit ayon kay Roque, bagaman maganda ang pagtanggap ng publiko sa pangulo kahit na mayroong mga kinakaharap na isyu ang bayan tulad ng inflation at kakulangan ng bigas, ay hindi ratings ang pinagtutuunan ng pansin ni Pangulong Duterte. Aniya, mas importante pa rin ang pagtatrabaho ng pangulo para sa mga mamamayang Pilipino.

Sa third quarte survey ng SWS tumaas ng siyam na puntos ang net satisfaction rating ng pangulo. Ibig sabihin nito, ‘very good’ ang rating ng punong ehekutibo.

TAGS: Malakanyang, Rodrigo Duterte, SWS, Malakanyang, Rodrigo Duterte, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.