Vice Mayor Buquing, nasa maayos na kalagayan

Ligtas na at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital si Sudipen Vice Mayor Wendy Joy Buquing na asawa ng pinaslang na alkalde ng Sudipen, La Union na si Mayor Alexander Buquing.

Ayon kay Bangar Municipal Police chief, Chief Inspector Cirilio Butigan Jr., nagtamo ng daplis ng bala sa ulo at sugat sa kamay ang bise alkalde dahil sa insidente.

Nabatid na habang nagaganap ang pamamaril ay ginamit ni Mayor Buquing ang kanyang katawan upang protektahan ang asawa na kasama niyang nasa backseat ng kanilang sasakyan.

Napag-alaman din aniya na isang puting pickup truck ang sasakyang ginamit ng mga suspek, ngunit hindi naman ito naplakahan.

Ani Butigan, kabilang sa kanilang tinitingnang motibo sa pamamaslang ang pulitika.

Aniya pa, hindi naman kabilang ang napatay na mayor sa listahan ng mga lokal na opisyal ng gobyerno na sangkot sa iligal na droga.

Read more...