P50,000 halaga ng ari-arian naabo sa sunog sa Maynila

By Justinne Punsalang October 02, 2018 - 05:17 AM

Tinupok ng apoy ang tatlong mga bahay sa Barangay 500 sa Sampaloc, Maynila, gabi ng Lunes.

Batay sa imbestigasyon ng Manila Fire Department, sumiklab ang sunog mula sa bahay ng isang Aileen de Guzman bandang alas-11:45 ng gabi.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog dahil mabilis na kumalat ang apoy bunsod ng kalumaan ng bahay at gawa pa ito sa mga light materials.

Limang pamilya ang wala ngayong matuluyan dahil sa sunog na tumupok sa P50,000 halaga ng mga ari-arian.

Maswerte namang walang nasugatan o nasawi dahil sa insidente.

Samantala, patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng pagliliyab.

TAGS: manila, Sampaloc, sunog, manila, Sampaloc, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.