Special task force binuo para sa ikareresolba ng pamamaslang sa alkalde ng Sudipen, La Union
Nangako si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde na magsasagawa ang kanilang hanay ng masusing imbestigasyon patungkol sa pananambang at pamamaslang kay Sudipen Mayor Alexander Buquin.
Sa isang pahayag, nagpahatid ng pakikiramay si Albayalde sa mga naiwan ni Buquin.
Pagtitiyak nito, hindi titigil ang pulisya hangga’t hindi nareresolba ang kaso.
Sa ngayon ay bumuo na ng special investigating task force upang siyasatin ang mga pangyayari at matunton ang mga salarin at utak ng pamamaslang.
Kasabay nito ay nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang pulisya upang madakip ang mga suspek.
Hinimok naman ni Albayalde ang publiko na agad ipagbigay alam sa mga otoridad kung mayroon silang nalalaman tungkol sa insidente at kinaroroonan ng mga gunmen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.