Gabriela kay Rep. Bertiz: Huwag idamay ang kababaihan sa kanyang kayabangan
Ikinagalit ni Gabriela Partylist Representative Emmi de Jesus ang paghahalintulad ni ACTS OFW Representative John Bertiz III sa kanyang naging aksyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa isang babaeng nakararanas ng buwanang dalaw.
Ayon kay de Jesus, hindi dapat ma-stereotype ang kababaihang nakararanas ng menstruation bilang mayabang at entitled.
Aniya pa, ang isyu ay ang kayabangan ni Bertiz at hindi ang nararanasang buwanang menstruation ng mga kababaihan.
Dagdag pa nito, huwag idamay ng mambabatas ang mga kababaihan dahil si Bertiz ang mayroong problema.
Sa isang pulong balitaan ay humingi ng paumanhin si Bertiz dahil sa kanyang pagtangging magtanggal ng sapatos sa security check sa NAIA Terminal 2. Sinabi nito na minsan sa isang taon ay nakararanas siya ng monthly period kung kailan hindi niya napipigilang uminit ang kanyang ulo dahil na rin sa stress sa trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.