Palparan, ililipat na sa Bilibid bukas ayon sa Palasyo
Sa Miyerkules na ililipat sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City si Retired Army Major General Jovito Palparan.
Sa kasalukuyan, nakakulong si Palparan sa General Headquarters sa Camp Aguinaldo sa Quezon City matapos mahatulan ng guilty sa kasong kidnapping at illegal detention dahil sa pagkawala sa dalawang estuyante ng University of the Philippines na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, base sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Carlito Galvez, sinabi nito na nakatakdang isagawa ang paglilipat ng kustodiya kay Palparan sa Miyerkules.
Una rito, sinabi ni Galvez na sinusunod lamang nila ang court order na ilagay muna sa military camp si Palparan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.