Dagdag kontribusyon, kakailanganin ayon sa SSS dahil sa panukalang expanded maternity leave

Inquirer File Photo

Binigyang diin ng Social Security System (SSS) na kakailanganin nito ang nasa P4B hanggang P5B kada taon para mapondohan ang mga benipisyo sa panukalang expanded maternity leave.

Kasalukuyan ng nakakaranas ng hirap ang SSS sa pag-cover ng mga benepisyo ng mga miyembro.

Kinakailangan ng karagdagang 0.3% hanggang 0.4% na pagtaas sa kontribusyon para mapondohan ang panukala.

Inaprubahan na ng bicameral conference sa Kongreso ang pinal na bersiyon ng panukalang 105 na araw ng paid maternity leave credits.

Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc, na malalagay sa mahirap na sitwasyon ang institusiyon.

Ipinaliwanag nito na nakakaapekto din ang mga kalamidad kung saan bibigyan din ng loan ang mga apektadong miyembro.

Kasama rin dito ang karagdagang P2,000 additional benefit sa mga retired members, kung saan una nang naibigay sa mga ito ang unang P1,000 noong nakaraang taon habang ang pangalawang P1,000 ay ipapatupad na sa susunod na taon.

Read more...