Vice Ganda, sinagot ang kritisismo sa pagsusuot niya ng couture gown sa ABS-CBN Ball

By Rod Lagusad October 02, 2018 - 04:39 AM

Sinagot ni Vice Ganda ang isang pumuna sa kanyang isinuot na couture gown sa ginanap na ABS-CBN Ball.

Ang ABS-CBN ball ay charity event ng para sa benipisyo ng Bantay Bata 163, ang children’s welfare organization ng
network.

Base sa naging comment ng netizen sa Instagram post ni Vice ay sinabi nito na sana na-donate na lang sana ang mga
pinangpagawa ng gown at ang ginastos sa venue ng nasabing event para aniya mas maraming pondo ang napunta sa
Bantay Bata.

Ayon sa naging tugon ni Vice ay kanyang sinabi na sana tumulong din ang netizen kaysa mag-rant ay nakakadagdag pa
ito sa nalikom na pera.

Sinuot ni Vice sa red carpet ang gown na mula kay Michael Cinco habang isa pang gown ang isinuot nito na mula
naman kay Furne One Amato.

Samanatala, may naka-pin na mga blue ribbon ang mga celebrity na dumalo sa nasabing event na siyang international
symbol para labanan ang child abuse.

TAGS: ABS-CBN Ball, Vice-Ganda, ABS-CBN Ball, Vice-Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.