Alkalde ng Sudipen, La Union patay sa pamamaril
Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang alkalde ng bayan ng Sudipen sa La Union matapos itong pagbabarilin gabi ng Lunes.
Ayon kay Bangar Police chief, Chief Inspector Cirilo Butigan, pauwi na sina Mayor Alexander Buquing at kanyang asawang si Vice Mayor Wendy Buquing mula sa isang burol nang tambangan ang mga ito sa bayan ng Bangar.
Hindi pa nakikilala ang mga lalaking nagpaulan ng bala sa sasakyan ng mag-asawa.
Bukod sa lalaking Buquing, ay nasawi rin dahil sa insidente ang kanilang driver na si Boni Depdepen at security detail na si PO2 Rolando Juanbe.
Samantala, patuloy pa ring nilalapatan ng lunas si Vice Mayor Buquing sa Lorma Medical Center sa San Fernando City.
Ayon kay Butigan, patuloy ang kanilang imbestigasyon tungkol sa insidente. Tinutugis na rin aniya ang mga salarin sa pananambang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.