Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Pagasa weather specialist Aldzar Aurelio, ang nasabing bagyo ay may lakas na 160 kilometers per hour at pagbugso na umaabot sa 195 kph.
Tinatahak ni “Quennie: ang Silangang bahagi ng Casiguran, Aurora sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Kundi magbabago ang kanyang direksyon, sinabi ni Aurelio na tatahakin nito ang rutang tinumbok nang nagdaang bagyong Paeng pero hindi ito inaasahang magla-landfall saan mang bahagi ng bansa.
Gayunman ay asahan naman ang pag-ulan sa lalawigan ng Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Aurora hanggang sa araw ng Huwebes.
Sa Biyernes (October 4) ay inaasahang lalabas sa bansa ang nasabing bagyo.
Samantala, ipinaliwanag ni Aurelio na ang maalinsangan na panahon na nararanasan ngayon sa malaking bahagi ng bansa ay palatandaan na patapos na ang panahon ng tag-init at unti-unti nang pumapasok ang hanging Amihan.