Bertiz pinaiimbestigahan ng minorya sa ethics committee

Inquirer file photo

Nais ni House Minority Leader Danilo Suarez na imbestigahan ng Kamara ang inasal ng kanilang miyembro na si ACTS OFW Rep. John Bertiz sa viral video Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Suarez, nakikipag ugnayan na siya kay House Ethics Committee Chairman Delphine Gan Lee upang magsagawa ng motu propio investigation laban kay Bertiz.

Sinabi ng lider ng minorya na hindi na nila hihintayin pa na mayroong maghain ng formal complaint upang maimbestigahan ang kongresista.

Gayunpaman, iginiit nito maliit na bagay lamang ang kinasasangkutang isyu ni Bertiz kaya nagtataka siya bakit ito pinalaki pa.

Nais naman ni Suarez na magsalita sa plenaryo ng Kamara ang mambabatas upang ipaliwanag ang nangyari at mag-sorry sa buong Kongreso.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, Sinabi ni Suarez na posibleng sa susunod na linggo ay masimulan na ang pagdinig ng ethics committee sa kaso ni Bertiz.

Tiniyak rin ng mambabatas na magiging parehas ang pagdinig lalo’t naka-abang ang publiko sa kahihinatnan ng nasabing pangyayari.

Read more...