Katarungan tiniyak sa pinatay na Pinay sa Sweden
Darating ngayong araw sa Stockholm, Sweden ang two-man team na tutulong para maiuwi sa bansa ang mga labi ng pinatay na Pinay na si Mailyn Conde Sinambong.
Ayon kay Consul General Maria Elena Algabre, ang team na mula sa Oslo, Norway ang tutulong sa tiyahin ni Mailyn na nakabase din sa Norway.
Tutulong din ng mga ito ang pagkalap ng impormasyon sa pagkamatay ng Pinay mula sa mga otoridad.
Nakatakda namang makipag-usap si Consul General Algabre sa abogado mula sa Swedish government na naatasan na tumulong sa murder case laban sa aktor na mister ng biktima na nasa kustodiya na ng pulis.
Pansamantala munang hindi pinangalanan ang aktor na suspek sa krimen.
Napag-alaman rin na si Sinambong ay may dalawang anak na nakabase sa Kista, Sweden.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.