Ipinatitiyak ng Kamara sa National Food Authority (NFA) ngayong holiday season ang katatagan ng presyo at supply ng bigas.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Nograles, dapat gumawa ng paraan ang NFA para mapanatiling matatag ang presyo ng bigas katulad na lamang ng pagpapaigting sa pamimili ng palay.
Nabatid na sa 2.1 million na sako ng bigas sa imbentaryo ng NFA hanggang nitong Seryembre 25, hindi na raw aabot ang bilang na ito hanggang sa katapusan ng taon.
Nasa 128,000 na sako ng bigas anya ang inilalabas ng ahensya kada araw, kaya ang stock na ito ay tatagal lamang hanggang October 12.
Subalit sa oras na tuluyan nang ma-unload ang mahigit 3.1 million na sako ng bigas na kasalukuyang ay nasa barko pa, posible tumagal ang buffer stock ng NFA hanggang sa Nobyembre 6.