Muling pagtaas sa presyo ng LPG ibinabala

By Den Macaranas October 01, 2018 - 03:36 PM

Inquirer file photo

Posible pang masundan ang naganap na pagtataas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong araw.

Ipinaliwanag ni Liquefied Petroleum Gas Marketers’ Association (LPGMA) partylist Rep. Arnel Ty na masyadong mabilis ang pataas ng presyo ng LPG sa international market.

Kaninang umaga ay nagpatupad ng P2 na dagdag ang mga kumpanya ng langis sa bawat kilo ng LPG.

Ipinaliwanag pa ni Ty na mula sa dating $617 per metric ton ngayon ay mabibili na ang LPG sa halagang $657 kada metriko tonelada.

Samantala, tiniyak naman ni Energey Assistant Sec. Bodie Pulido na iimbestigahan nila ang P2 incrase sa bawat litro ng LPG dahil masyado umano itong mataas.

Bagaman aminado ang opisyal na tumaas ang halaga nito sa world market ay hindi naman dapat umabot sa P2 bawat kilo ang maging patong sa presyo ng LPG.

Bukod sa LPG ay mataas rin ang halaga ngayon ng gasolina at krudo sa world market.

Sinabi ng DOE na epekto ito ng geopolitics situation sa Iran at economic sanctions naman sa Venezuela.

TAGS: arnel ty, diesel, DOE, gasoline, LPG, LPGMA, worl market, arnel ty, diesel, DOE, gasoline, LPG, LPGMA, worl market

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.