Mga opisyal ng pamahalaan pinayuhang umiwas sa “special treatment”

By Chona Yu October 01, 2018 - 03:13 PM

Nagpa-alala si Special Assistant to the Presdient Christpher “Bong” Go sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na maging magandang ehemplo aa huwag maging mayabang, at huwag humingi ng special treatment kanino man.

Pahayag ito ni Go matapos mag-viral sa social media ang insidente na kinasasangkutan ni Acts-OFW partylist Rep. John Bertiz na hindi sumunod sa security protocol at nanghablot pa ng ID ng security personnel sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Ayon ay Go, nailagay sila sa pwesto ng pamahalaan para magsilbi at hindi para pagsilbihan ng taong bayan.

Inihalimbawa pa ni Go na maging sila ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sumusunod sa mga secuity personnel kapag nagtutungo sa airport o hotel.

Binigyang diin ni Go na dapat manguna pa nga ang mga opsyal sa pagsunod sa mga rules at procedure sa bansa.

TAGS: bertiz, go, NAIA, special treatment, bertiz, go, NAIA, special treatment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.