Grupong Anakpawis lumusob sa MWSS para kondenahin ang water rate hike
Sumugod sa harap ng tanggapan ng Manila Water Sewerage System (MWSS) sa Balara, Quezon City ang grupo ng Anakpawis makaraang payagan umano ng MWSS Board na magtaas ng presyo ng tubig ang Maynilad at Manila Water.
Ayon kay Raphael Pallanan, Anakpawis Party list chairperson, pinayagan ng MWSS ang Maynilad na mag-rebase ng kanilang service fee ng P5.73 per cubic meter habang ang Manila Water ay magdadagdag ng P6.22 hanggang P6.55 per cubic meter.
Ang nasabing increase ay ipapasa sa mga consumers simula October 2018 hangganh January 2022 pero hindi nila ito ipapatupad sa 2019.
Para sa October, ang Maynilad ay magpapatupad ng P0.90 hike habang Manila Water, P1.46.
Dahil dito hinikayat ng grupo ang publiko na kondenahinang nasabing water hike na magdudulot ng panibagong pasanin sa mamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.