Ang bakanteng posisyon ay dahil sa pagkakahirang kay Associate Justice Samuel Martires bilang Ombudsman kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nagretiro noong July 26.
Ayon kay JBC ex officio member at Justice Secretary Menardo Guevarra, kasama sa shortlist sina: Court Administrator Jose Midas Marquez, Court of Appeals Justices Japar Dimaampao, Ramon Garcia, Manuel Barrios, Apolinario Bruselas, Rosmari Carandang, Edgardo de los Santos, Ramon Paul Hernando at Amy Lazaro-Javier.
Sa kasalukuyan, dalawa ang bakanteng posisyon sa Korte Suprema.
Mula sa nasabing shortlist, pipili si Pangulong Duterte ng bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, mayroon 90 araw para humirang ang pangulo bagong myembro ng Korte Suprema magmula nang ang posisyon ay mabakante.