Shortlist para sa iniwang pwesto ni Martires sa SC, napagbotohan na ng JBC

By Ricky Brozas October 01, 2018 - 12:46 PM

May shortlist na ang Judicial and Bar Council (JBC) ang mga aplikante para sa posisyon sa Korte Suprema.

Ang bakanteng posisyon ay dahil sa pagkakahirang kay Associate Justice Samuel Martires bilang Ombudsman kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nagretiro noong July 26.

Ayon kay JBC ex officio member at Justice Secretary Menardo Guevarra, kasama sa shortlist sina: Court Administrator Jose Midas Marquez, Court of Appeals Justices Japar Dimaampao, Ramon Garcia, Manuel Barrios, Apolinario Bruselas, Rosmari Carandang, Edgardo de los Santos, Ramon Paul Hernando at Amy Lazaro-Javier.

Sa kasalukuyan, dalawa ang bakanteng posisyon sa Korte Suprema.

Mula sa nasabing shortlist, pipili si Pangulong Duterte ng bagong mahistrado ng Korte Suprema.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, mayroon 90 araw para humirang ang pangulo bagong myembro ng Korte Suprema magmula nang ang posisyon ay mabakante.

TAGS: JBC, Judicial and Bar Council, Radyo Inquirer, JBC, Judicial and Bar Council, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.