Financial assistance sa mga college students, isinusulong sa Kamara
Nais ni Una ang Edukasyon Party list Rep. Salvador Belaro na magkaroon ng emergency financial assistance para sa mga college students.
Ayon kay Belaro, ang “Pantawid Enrollment” ay maaring magmula sa DSWD na siyang mayroong pondo para sa pagbibigay ayuda.
Ito anya ang kanyang nakikitang solusyon sa patuloy na pagtaas ng college drop outs sa bansa.
Paliwanag ng mambabatas, kung hindi sapat ang pondo ng DSWD para dito ay maari namang kunin ang pangtustos mula sa kita ng TRAIN Law.
Mayroon anyang, blanket o catch-all provision sa ilalim ng TRAIN Law na nagbibigay ng otorisasyon sa pamahalaan na magpatupad ng ibang social benefit program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.