Pakistani na hinihinalang trainer ng ISIS, hinarang ng BI sa Clark Airport
Isang Pakistani na hinihinalang trainer ng grupong Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang hinarang ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport sa Pampanga.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang dayuhan na si Naeem Hussain, 35, na dumating sa Clark sakay ng Emirates Airlines flight mula sa Dubai noong September 22.
Sinabi naman ni BI OIC Deputy Commissioner Marc Red Marinas na agad na pinasakay ni Hussain sa susunod na fiight pabalik ng Dubai.
Nabatid na si Hussain ay nasa watchlist ng military intelligence community.
Nang tanungin ng BI, sinabi umano ng dayuhan na siya ay nagtatrabaho bilang isang digital designer sa nakalipas na 16 taon at siya ay bumiyahe sa Pilipinas para bisitahin ang kanyang Pilipinong kasintahan sa Olongapo City.
Lumabas sa rekord ng BI na si Hussain ay una nang hinarang ng kawanihan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo nang tangkain nitong pumasok sa bansa mula sa kanyang byahe sa Dubai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.