Typhoon Kong-Rey lalo pang lumakas

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2018 - 11:31 AM

Lalo pang lumakas ang bagyong nakatakdang pumasok sa bansa na mayroong international name na Kong-Rey.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,515 kilometers East ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 180 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nakatakdang pumasok sa bansa ang naturang bagyo mamayang hapon at papangalanan itong Queenie.

TAGS: kong rey, Pagasa, Queenie, weather, kong rey, Pagasa, Queenie, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.