Panukalang ibaba ang edad para sa criminal liability suportado ng PNP

Suportado ng Philippine National Police ang panukala ni Senate Presidente Tito Sotto III na ibaba sa edad na dose ng criminal lability para sa mga bata,

Ayon kay PNP Chif Director General Oscar Albayalde, sa iba mga bansa, 6 na taon ay pinapanagot na kapag nakagawa ng krimen.

May mga bansa pa nga ani Albayalde na walang limit sa edad.

Sa ngayon sinabi ni Albayalde na kinukuha rin niya ang opinyon dito ng mga regional director ng PNP at kanilang legal service.

Magugunitang sa ilalim ng Senate Bill 2026 ni Sotto ay nais nitong maamyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.

Sa nasabing batas na umiiral sa ngayon, ang mga bata na edad 15 anyos pababa ay hindi pwedeng makulong kahit nakagawa ng krimen.

Read more...