Kalahating bilyon piso nawala sa kaban ng PCSO

By Ricky Brozas October 01, 2018 - 10:47 AM

Inquirer Photo

Umaabot sa kalahating bilyong piso ang sinasabing nawawala sa kaban ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bunsod ng mga tiwaling operator ng Small Town Lottery o STL sa bansa.

Ayon kay PCSO Director Sandra Cam, hindi nireremit sa PCSO ang singil sa STL ng mga delinkweteng operators dahil ‘pinoproteksiyon” umano ng ilang tiwaling opisyal ng PCSO.

Sinabi ni Cam, inireport na umano niya kay GM Balutan ang mga delingkwenteng STL operators pero ang sagot umano sa kanya ay pagbigyan na lamang.

Nagbanta si Cam na ipaparating niya sa Pangulong Rodrigo Duterte ang problemang ito sa STL dahil ayaw umanong umaksiyon si GM Balutan.

Ani Cam, siya pa umano ang sinisisi ni GM Balutan kung bakit hindi siya nakakasingil sa mga tiwaling STL operator sa bansa.

TAGS: kaban, Kalahating Bilyon nawala, pcso, sandra cam, kaban, Kalahating Bilyon nawala, pcso, sandra cam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.