Pulis na tulog at lasing nadatnan sa pag-iikot ni Eleazar

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2018 - 10:50 AM

NCRPO Photo

Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon si National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Guillermo Eleazar sa mga himpilan ng pulisya sa Metro Manila.

Sa kaniyang pag-iikot, isang pulis sa Las Piñas City ang nadatnan niyang tulog, habang isang pulis naman sa Paranaque ang nakainom habang nakaduty.

Sa Las Piñas City Police station 8 (Daanghari PCP), sinermunan ni Eleazar si PO3 Rey Gusi dahil natutulog ito nang dumating si Eleazar.

Katwiran ng pulis, hindi naman daw mahaba ang kaniyang tulog at paidlip-idlip lang siya kapag straight ang duty niya.

Ikinagalit din ni Eleazar nang madatnan na patay ang ilaw sa loob ng police station.

Sinabi ni Eleazar na isasailalim sa imbestigasyon ang dalawang pulis na nadatnan sa PCP 8 sa Las Pinas at pagpapaliwanagin.

Sa PCP-3 naman ng Parañaque City, nadatnan ni Eleazar si PO3 Joselier Labrada na nakainom habang naka-duty.

Tanggal pa ang uniporme ng pulis na mabilis na nagsuot ng uniporme nang makita si Eleazar.

Habang kinakausap ni Eleazar napansin niyang may kakaiba sa kilos ni Labrada na paenglish-english pa kung sumagot.

Dinala sa ospital si Labrada para maisailalim sa alcohol test at sa drug test.

Kung mapatutunayang naka-duty ng lasing ay maaring masibak sa serbisyo ang pulis.

TAGS: inspection, NCRPO, Radyo Inquirer, inspection, NCRPO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.