P100,000 ibinigay sa pitong centenarians sa QC

Photo: QC Local Government

Pitong centenarians sa Quezon City ang pinagkalooban ng P100,000.

Isinagawa ang awarding kasabay ng paggunita sa Elderly Filipino Week sa lungsod.

Kabilang sa mga tumanggap ng P100,000 sina Sr. Asuncion Nebah Aguda, Jose Arguelles, Amelia Borromeo, Benjamin Cucio, Juanita Garcia, Marina Molato at Rosa Pausanos.

Ang mga awardees ay pawang ipinanganak taong 1917 at 1918.

Ang Elderly Filipino Week ay ginugunita tuwing unang linggo ng Oktubre bilang pagpupugay sa mga nakatatanda.

Read more...