Miyembro ng Ansar al-Khilafa patay sa anti-drug operation sa South Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2018 - 08:50 AM

Photo: Polomolok Municipal Police Station

Patay sa anti-illegal drug operation ang miyembro ng Islamic State-inspired goup na Ansar al-Khilafa na pinaniniwalaang sangkot sa pagpapasabog sa General Santos City.

Ang suspek na kinilalang si Samrud Embang na nasawi sa buy-bust sa Barangay Glamang sa Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Police Regional Office 12 Director Chief Supt. Eliseo Tam Rasco, nanlaban ang suspek nang aarestuhin at pinaputukan ang mga tauhan ng police anti-drug unit at Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) Region 12.

Sinabi ni Rasco na si Embang ay miyembro ng Islamist AKP at nasa drug watch list ng pamahalaan.

Isa si Rasco sa mga suspek sa pagpapasabog sa General Santos City noong Sept. 16 na ikinasugat ng walo katao.

Nakuha mula kay Embang ang malaking sachet ng shabu, caliber 38 revolver, bala ng baril at marked money.

TAGS: al-Khilafa, General Santos, Radyo Inquirer, al-Khilafa, General Santos, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.