Unang araw ng Oktubre, sinalubong ng mahigit P20 na dagdag sa 11-kg LPG cylinder

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2018 - 06:54 AM

LPG | Inquirer File Photo

Sinalubong ng dagdag presyo sa liquified petroleum gas ang unang araw ng buwan ng Oktubre.

Ang kumpanyang Petron, nagpatupad ng P2.35 na dagdag sa kada kilo ng kanilang LPG epektibo alas 12:01 ng madaling araw ng Lunes, Oct. 1.

Nangangahulugan ito ng dagdag na P25.85 sa kada 11-kilogram cylinder na LPG.

May dagdag din na P1.30 ang Petron sa kada litro ng kanilang AutoLPG.

Samantala, epektibo naman alas 6:00 ng umaga, nagpatupad din ng dagdag presyo sa kanilang lpg ang mga kumpanyang Solane at EC gas.

Ang EC gas ay mayroong dagdag na P2.30 per kilogram sa LPG o P25.30 para sa 11-kilogram cylinder.

Habang ang Solane naman ay P2.11 kada kilo ang dagdag o P23.21 sa bawat 11-kilogram LPG cylinder.

TAGS: AutoLPG, EC Gas, LPG, Petron, Solane, AutoLPG, EC Gas, LPG, Petron, Solane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.