Typhoon Trami nanalasa sa Japan, mahigit 80 katao ang sugatan

AP Photo

Nanalasa sa Japan ang Typhoon Trami na dating bagyong Paeng na kagagaling lamang ng Pilipinas.

Umabot sa 84 na katao ang nasugatan dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyo.

Umabot din sa 1,000 mga biyahe ang nakansela at maging ang biyahe ng tren sa Tokyo ay sinuspinde.

Matapos manalasa sa Okinawa, tumama ang bagyo sa kalupaan ng Osaka.

Taglay ng Typhoon Trami ang pagbugsong aabot sa 216 kilometers nang ito ay pumasok sa Japan.

Mahigit 750,000 na mga kabahayan ngayon sa western Japan ang nawalan ng kuryente.

Read more...