MRT-3 at LRT-2 may libreng sakay sa senior citizens mula ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2018 - 06:21 AM

Simula na ngayong araw ang isang linggong libreng sakay sa MRT at LRT para sa mga senior citizens.

Ito ay bilang paggunita sa Elderly Filipino Week.

Mula ngayon, hanggang October 7, mayroong libreng sakay sa MRT-3 ang mga senior citizen mula alas 5:30 ng umaga hanggang alas 10:30 ng gabi.

Sa LRT line 2 naman, alas 7:00 hanggang alas alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi ang libreng sakay.

Kailangan lamang ipakita ang senior citizen ID o kahit anong ID na mayroong birthdate.

TAGS: Elderly Filipino Week, Free Ride, LRT line 2, MRT, senior citizen, Elderly Filipino Week, Free Ride, LRT line 2, MRT, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.