Presyo ng produktong petrolyo, tataas

November 03, 2015 - 04:41 AM

Inquirer file photo

Epektibo alas-sais ng umaga ngayong araw, November 3, tataas ng 25 sentimos ang kada litro ng gasolina sa Petron, Shell, Caltex, at Seaoil, habang 10 sentimos naman sa kada litro ng kanilang kerosene.

Sa Phoenix Petroleum at PTT naman, ang produktong gasolina lamang nila ang tataas ng presyo sa 25 sentimos kada litro, na magiging epektibo sa parehong oras.

Wala namang inanunsyong pagtaas sa diesel ang mga kumpanya ng langis.

Samantala, magtataas naman ang kada kilo ng liquefied petroleum gas o LPG ng mga brands na Solane, Gasul at Petronas sa presyong P2.95 kada kilo simula mamaya ring alas sais ng umaga.

P2.50 naman kada kilo ang itinaas ng Liquigaz simula kaninang hatinggabi, at P2.90 sa kada kilo ng ECGas simula mamayang alas sais ng umaga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.