Planong destabilization ng CPP tuloy pa rin ayon sa AFP

By Justinne Punsalang October 01, 2018 - 01:40 AM

Hindi patitinag ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa kanilang planong patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Assistant Deputy Chief for Operations Brigadier General Antonio Parlade sa isang panayam.

Aniya, bukod sa Oplan Aklasan, pinaplano rin ng komunistang grupo ang pagsasagawa ng Daluyong Manggagawa kung saan makikiisa ang mga maralita at manggagawa sa mga iba’t ibang malawakang pagkilos ngayong buwan na bahagi ng Red October.

Paliwanag pa ni Parlade, mayroong dalawang bahagi ang pagkilos ng komunistang grupo. Una aniya ang social unrest at ikalawa ang pagsasagawa ng mga pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Paniwala ni Parlade, hindi naman magtatagumpay ang plano ng rebeldeng grupo lalo na’t hindi sila suportado ng sektor ng edukasyon, simbahan, maging ng mga unyon.

Ngunit bagaman tiwalang hindi magtatagumpay ang planong destabilization ay nananatiling nakaalerto ang pwersa ng pamahalaan upang harangin ang mga pag-atake.

Aniya pa, ginagamit ng makakaliwang grupo ang mga isyu katulad ng extrajudicial killings, batas militar, at pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin upang masipa sa pwesto ang pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub