VP Robredo: Pangulong Duterte pinatunayang mayroong EJK sa bansa

By Justinne Punsalang October 01, 2018 - 12:34 AM

Patunay lamang na mayroong nagaganap na extrajudicial killings sa bansa ang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang tangi niya lamang kasalanan ay ang pagkakaroon ng EJK.

Ito ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa kanyang radio program na “BISErbisyong Leni.”

Ayon sa ikalawang pangulo, matagal nang mayroong debate kung mayroon ba talagang EJK sa bansa dahil maraming tao ang nagsasabing mayroon, ngunit itinatanggi naman ito ng gobyerno.

Kaya naman sa pamamagitan aniya ng pag-amin ng pangulo ay na-kumpirmang marami talaga ang napapatay nang labag sa batas gaya ng sinasabi ng mga kritiko ng pangulo.

Aniya pa, maituturing na insulto para sa mga kamag-anak ng nasawi dahil sa EJK ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi seryoso ang pangulo sa kanyang nasabi.

Sinabi rin ni Robredo na dahil mismong si Pangulong Duterte na ang umamin tungkol sa EJK ay maaari na itong magsilbing ebidensya sa nakahaing reklamong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC). Posible rin aniya itong grounds para sa impeachment laban sa pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.