Senatorial slate ng oposisyon bubuuin lamang ng 6 o 8 kandidato

By Justinne Punsalang October 01, 2018 - 12:22 AM

OVP

Strategy ng opposition coalition na hindi buuin ang 12 kandidato para sa pagkasenador sa 2019 midterm elections.

Ito ang sinabi mismo ni Vice President Leni Robredo sa kanyang radio program na “BISErbisyong Leni.”

Kagaya ng kanyang unang sinabi, inulit ng bise presidente na quality at hindi quantity ang kanilang tinitingnan sa pagpili ng mga isasama sa kanilang senatorial slate.

Aniya pa, hanggang sa ngayon ay sinasala ng coalition ang mga mapapasali sa kanilang listahan na nasa pagitan ng anim hanggang walong mga kandidato.

Partikular aniyang pinagbabatayan sa pagpili ang integridad at kapasidad ng mga tatakbo bilang senador.

Ani Robredo, posibleng ianunsyo ng opposition coalition ang kanilang pinal na senatorial slate sa October 10, isang araw bago ang pagsisimula ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) mula October 11 hanggang 17.

Binubuo ang coalition ng limang grupo: ang Liberal Party, Tindig Pilipinas, Akbayan, Magdalo, at Aksyon Demokratiko.

Sa ngayon, para sa LP, tatlo na ang kanilang pinangalanang tatakbo sa pagka-senador. Ito ay sina Senador Bam Aquino, Atty. Jose Manuel Diokno, at dating Congressman Erin Tañada III.

Samantala, kinumpirma rin ni Robredo na hindi tatabo ang aktor na si Dingdong Dantes para sa alinmang posisyon. Ito umano ay dahil sa pagdadalang-tao ng kanyang asawang si Marian Rivera na nakatakdang manganak sa panahon ng eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.