
Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagnanais ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumuo ng isang inter-agency task force na magwawakas sa komunismo pagdating ng 2019.
Ayon kay DILG officer-in-chager Eduardo Año, kakailanganin ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamalahaan upang tuluyang matapos ang pamamayagpag ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP/NDF/NPA).
Aniya pa, ang problema sa komistang grupo ay hindi lamang problema ng militar o pulisya, ngunit ng buong pamahalaan.
Sinegundahan naman ito ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr., at sinabing dapat magkaroong ng whole-of-government strategy upang mapuksa ang recruitment ng mga komunista.
Aniya pa, ang insurgency na nagaganap sa bansa ay dulot ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay, at iba’t ibang mga karaingan ng publiko na dapat ay solusyunan ng mga concerned government agencies.