Retrieval operations sa Itogon, Benguet itinigil na

Inihinto na kaninang tanghali ng search and retrieval teams ang paghuhukay sa guho sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet.

Paliwanag ni Brigadier General Leopoldo Imbang na siyang incident commander, malaki ang posibilidad na wala na silang makukuhang katawan mula sa ground zero.

Sa ngayon ay tatlo katao na lamang ang nawawala, habang 61 mga bangkay na ang narekober matapos ang ilang linggong paghuhukay sa guho.

Samantala, ayon sa Management of the Dead and the Missing Persons, nagsumite na ng mga DNA samples at fingerprints ang mga kamag-anak ng mga nawawala upang matingnan kung mayroong magtutugma sa mga bahagi ng katawan na nahukay ng search and retrieval teams.

Sinabi naman ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na kapag nakatanggap sila ng report tungkol sa nakitang bangkay o naamoy na hindi kanais-nais ay muli silang magsasagawa ng paghuhukay sa ground zero.

Sa ngayon ay mayroon pang anim kataong nawawala sa ibang lugar sa Itogon kung saan mayroon ding naganap na landslide.

Read more...