Oil companies may dagdag-presyo sa kanilang LPG

Bukod sa pagtaas sa presyo ng oil products ay mayroon ding malaki-laking dagdag sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG)

Nag-anunsyo ang kumpanyang Petron na madadagdagan ang presyo ng kanilang LPG ng P2.35 bawat kilo.

Ibig sabihin, para sa kanilang 11 kilogram na tangke ng LPG, magkakaroon ng dagdag na P25.85.

Samantala, magmamahal din ang singil ng Petron para sa kanilang AutoLPG sa P1.30 kada litro.

Ayon sa naturang kumpanya, hindi naman gagalaw ang presyo ng kanilang mga produktong LPG sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

Epektibo na ang dagdag-presyo kanina pang hating-gabi.

Ang Solane naman ay may P2.11 kada kilong dagdag habang ang Eastern Petroleum ay mayroong P2.30 kada kilong taas-presyo.

Epektibo ang pagtaas sa presyo ng Solane at Eastern Petroleum ngayong alas-6 ng umaga.

Ang dagdag singil sa LPG ay bunsod ng paggalaw ng international contract price.

Read more...