Bagyong Kong-Rey inaasahang papasok ng bansa bukas; papangalanang Queenie
By: Justinne Punsalang
- 6 years ago
Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang sama ng panahon na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa 11AM weather advisory ng PAGASA, isa nang severe tropical storm ang bagyong mayroong international name na Kong-Rey.
Huli itong namataan sa layong 1,445 kilometro silangan ng Visayas.
May dala itong hangin na 100 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot naman sa 120 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyong Kong-Rey sa bilis na 25 kilometro bawat oras sa direksyong kanluran-hilagang kanluran.
Inaasahang papasok ito sa loob ng PAR sa bukas ng gabi, October 1 o sa Martes ng umaga, October 2 at tatawaging Queenie.
Dagdag pa ng PAGASA, inaasahang lalakas pa ang naturang sama ng panahon at malalagay sa typhoon catergory habang nasa loob ng bansa.