Mga kritiko, sinasamantala ang EJK statement ni Duterte – Panelo
Sinasamantala at pinipilipit ng mga kritiko ang naging pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging ang pagkakaroon ng extrajudicial killings sa bansa lamang ang kanyang kasalanan.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nakahanap ng panibagong armas ang mga kalaban para ilagay sa kahihiyan ang pangulo.
Sinabi pa ni Panelo na dapat na tignan ng taong bayan ang pahayag ng pangulo sa nagpapatuloy na kampanya kontra sa ilegal na droga.
Tiniyak pa ni Panelo na hindi papayagan ni Duterte na magkaroon ng state-sponsored killings sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.