Pagsibak kay Uson, ipinauubaya ni Andanar kay Duterte

By Chona Yu September 30, 2018 - 03:47 PM

Ipinauubaya na ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya kung tuluyan nang sisibakin sa puwesto si Assistant Secretary Mocha Uson.

Pahayag ito ni Andanar matapos ipanawagan ni Philippine Information Agency (PIA) director general Harold Clavite na magbitiw na si Uson dahil sa kabiguan na dumalo sa budget hearing ng PCOO sa Kamara.

Ayon kay Andanar, tanging si Duterte lamang ang may kapangyarihan na magsibak kay Uson dahil siya naman ang nagtalaga sa dating sexy singer sa PCOO.

Kasabay nito, sinabi ni Andanar na malaya naman si Uson na maghayag ng kanyang damdamin dahil pinahahalagan niya ang freedom of expression.

Paliwanag pa ni Andanar, hindi nagtatago si Uson at hindi nakadalo sa budget hearing dahil nasa New York ang opisyal at inimbitahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sumama sa pagdalo sa United Nations (UN) general assembly.

Personal aniyang hiniling ng DFA sa PCOO na pasamahin si Uson para tumulong sa information dissemination.

Ayon kay Andanar, sagot ng DFA ang gastos ni Uson sa New York.

TAGS: Asec Mocha Uson, pcoo, Sec Martin Andanar, Asec Mocha Uson, pcoo, Sec Martin Andanar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.