Lalaking nagligtas sa 3 batang nalulunod, patay sa Nueva Ecija

By Angellic Jordan September 30, 2018 - 01:50 PM

Patay ang isang lalaki matapos sagipin ang tatlong batang nalulunod sa isang kanal sa Gapan, Nueva Ecija.

Tumalon ang biktima na si Renato Samson, 39-anyos, sa kanal nang makitang inaagos ng malakas na tubig sina Katleen Quiambao, Gemmalyn Pineda (11-anyos) at ang 10 taong gulang na si Rosewell Aquila, Sabado ng hapon.

Nahulog ang tatlong bata habang sinusubukang kunin ang nahulog na pera sa tubig.

Nailigtas naman ni Samson ang dalawang bata ngunit nang subukang sagipin ang ikatlo, nagkaroon na ito ng muscle cramp at napunta sa malalim na parte ng kanal.

Ligtas namang nakuha ng ilang rescuers ang huling bata.

Narekober ang katawan ni Samson isang kilometro ang layo matapos ang tatlong oras na paghahanap.

TAGS: Gapan, nalunod, Renato Samson, Gapan, nalunod, Renato Samson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.