Isang branch ng bangko sa Makati, nasunog

By Angellic Jordan September 30, 2018 - 01:38 PM

Sumiklab ang sunog sa isang bangko sa bahagi ng Barangay Bangkal sa Makati City, Linggo ng hapon.

Batay sa ulat, nasunog ang isang branch ng EastWest bank sa Evangelista at Gen. Mojica Streets bandang 12:24 ng hapon.

Matapos ang 30 minuto, naapula rin ang apoy bandang 1:00 ng hapon.

Sa ngayon, hindi pa tukoy ang naging sanhi ng sunog.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga opisyal sa sanhi ng sunog at kabuuang halaga ng pinsala sa lugar.

TAGS: EastWest bank, Makati, sunog, EastWest bank, Makati, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.