P340,000 halaga ng shabu, nasabat sa CamSur; Drug pusher, arestado

By Angellic Jordan September 30, 2018 - 01:08 PM

Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P340,000 halaga ng shabu sa isang hotel sa Naga City, Camarines Sur.

Ayon kay PDEA Bicol chief Christian Frivaldo, nakilala ang drug pusher na si Felipe Sabdao alyas “Don,” 32-anyos.

Naaresto si Sabdao sa isang hotel sa bahagi ng Barangay Mabolo bandang 3:00, Sabado ng hapon.

Nakumpiska ng mga opisyal ng PDEA ang dalawang plastic bags na naglalaman ng 50 gramo ng shabu.

Sa isang panayam, sinabi ni Frivaldo na ang bagong nakuhang shabu ay malapit sa P850,000 halaga ng shabu na nakuha mula sa 13 high-value target personalisties sa loob ng isang linggong operation sa probinsya.

TAGS: drug pusher, Felipe Sabdao, PDEA, shabu, drug pusher, Felipe Sabdao, PDEA, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.