Panibagong kontrobersiya na naman ang kinasasangkutan ni ACTS OFW Re. John Bertiz III.
Ito ay dahil sa viral sa social media ang kuha ng CCTV security video sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Sabado ng umaga kung saan tumanggi ang kongresista na tanggalin ang kanyang suot na sapatos bilang bahagi ng security condition level 2.
Base sa video, matapos hindi maghubad ng sapatos, nagpakita si Bertiz ng kanyang ID para magpakilala.
Inagaw pa ni Bertiz ang ID ng security personnel.
Pero paliwanag ni Bertiz, nakapagtataka na pinayagan ng security personnel ng NAIA na makalusot ang ilang Chinese looking individuals ng hindi dumadaan sa security check.
Kamakailan lamang, nabalot na rin ng kontrobersya si Bertiz matapos mag-viral sa social media ang video ng oath taking ng Engineering board examination passers hindi bibigyan ng Professional Regulations Commission (PRC) license ang mga hindi nakakikilala kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na matunog na kakandidatong senador sa 2019 elections.