NoKor, patuloy na nawawalan ng tiwala sa Amerika
Sa harap ng mga deligado ng United Nations (UN), inihayag ni North Korean Foreign Ministrer Ri Yong Ho na patuloy silang nawawalan ng tiwala sa Estados Unidos.
Aniya, dahil ito sa patuloy na sanctions na ginagawa sa kanilang ng Amerika.
Dagdag pa ni Ri, dahil sa kawalan ng tiwala sa US ay hindi na mangyayari ang nais nilang disarmahan muna ng North Korea ang kanilang bansa.
Ayon naman kay US Secretary of State Mike Pompeo, kinakailangang ipatupad ang Security Council sanctions hanggang sa makita nila at mapatunayan ang denuclearization na sinasabi ng North Korea.
Huli namang sinabi ni Foreign Minister Ri na gumagawa ng hakbang ang North Korea para sa denuclearization tulad ng pagtigil sa nuclear at intercontineltal ballistic missile test, pagtanggal sa mga nuclear test site, at iba pang mga akto ng goodwill.
Ngunit hindi sila nakakakita ng karampatang aksyon mula sa Estados Unidos.
Pinuri naman ng China at Russia ang North Korea dahil sa mga hakbang na ginagawa para sa denuclearization.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.