Ayon kay Pagasa Forecaster Gladys Saludes, ang binabantayan nilang Low Pressure Area (LPA) ay Malabo pa rin ang tsansa na mabuo bilang isang ganap na bagyo. Dahil dito, hindi rin ito inaasahang makapaghahatid ng sapat na tubig ulan para maging basehan ng deklarasyon ng tag-ulan.
Ang nasabing LPA na huling namataan sa 22 kilometers east ng Mindanao ay maghahatid naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Eastern at Central Visayas at sa Caraga at Northern Mindanao.
Ayon kay Saludes, dahil papatapos na ang buwan ng Hunyo, maituturing na “unusual” ang sitwasyon ngayon ng bansa na wala pa ring pumapasok na bagyo.
Una nang sinabi ng Pagasa na dahil sa nararanasang El Nino ay nabinbin ang pagsisimula ng rainy season./ Dona Dominguez-Cargullo