Malakanyang, nakiramay sa mga biktima ng lindol at tsunami sa Indonesia

By Angellic Jordan September 30, 2018 - 10:26 AM

Nakiramay ang Palasyo ng Malakanyang sa mga daan-daang nasawi sa Central Sulawesi, Indonesia.

Ito ay bunsod ng pagtama ng magnitude 7.5 na lindol at sinundan pa ng tsunami sa nasabing lugar noong Biyernes, September 28, 2018.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, kasama ng Indonesia ang Pilipinas sa pag-aalay ng dasal sa mga biktima.

Batay aniya sa impormasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA), ligtas ang nag-iisang Pilipino na nananatili sa lugar.

Sinabi rin ni Roque na handang mag-abot ng anumang tulong ang Pilipinas sa Indonesia.

TAGS: indonesia, lindol, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Harry Roque, tsunami, indonesia, lindol, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Harry Roque, tsunami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.