Burgos, Ilocos Norte nilindol

Photo credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Ilocos Norte, Linggo ng umaga.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 94 kilometers Northwest ng Burgos dakong 9:52 ng umaga.

Tectonic ang origin at may lalim na 1 kilometer.

Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...