LOOK: Mga kanseladong flights ngayong araw, Sept. 30
Nag-anunsiyo ng kanselasyon ng ilang biyahe ang airline companies dahil sa pananalasa ng Typhoon Trami sa Osaka at Nagoya, Japan, araw ng Linggo (September 30, 2018).
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ang mga biyahe simula September 30 hanggang October 1, 2018.
Narito ang mga apektadong flights:
Sa September 30:
1. PR 432 Manila-Tokyo (Narita) na may replacement flight na PR5432 Manila-Tokyo (Narita) sa October 1
2. PR 424 Manila-Tokyo (Haneda) na may replacement flight na PR 5424 Manila-Tokyo (Haneda) sa October 1
3. PR 896 at 897 Taipei-Osaka (Kansai)-Taipei na may replacement flight na PR 5896 at 5897 Taipei-Osaka (Kansai)-Taipei
sa October 1
4. PR 408 Manila-Osaka (Kansai) na may replacement flight na PR 5408 Manila-Osaka (Kansai) sa October 1
5. PR 436 Cebu-Tokyo (Narita) na may replacement flight na PR 5436 Cebu-Tokyo (Narita) sa October 1
6. PR 410 at 409 Cebu-Osaka (Kansai)-Cebu na may replacement flight na PR 410 at 409 Cebu-Osaka (Kansai)-Cebu sa
October 1
7. PR 438 Manila – Nagoya na may replacement flight na PR 5438 Manila-Nagoya sa October 1
8. PR 480 at 479 Cebu-Nagoya-Cebu
Sa October 1 naman, apektado ang flight PR 423 Tokyo (Haneda)-Manila na biyahe.
Kung kabilang sa reservation records, sinabi ng PAL na makatatanggap ng status ng kanilang flights via e-mail, call o text message.
Pinayuhan din ang mga pasahero na maaring mag-rebook o mag-refund ng kanilang ticket.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.