Mga guro at bikers, nagbisikleta para igiit ang pagtaas sa sweldo
Mahigit 50 na guro at bikers ang sabay-sabay na nagbisikleta mula University of the Philippines (UP) Diliman sa Quezon City hanggang sa Arroceros Forest Park sa Maynila para ipanawagan ang pagtaas sa sweldo ng mga teacher.
Pinangunahan ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio ang “Bike Ride to #HonorOurTeachers” na layong magpakalat ng kaalaman at kumuha ng suporta para sa kasalukuyang sitwasyon ng mga Filipino teachers.
Ito ay bahagi ng 10 araw na protesta ng mga guro, kasabay ng paggunita sa World Teacher’s Day sa October 5.
Bukod sa pagtataas ng sahod ng mga guro, kinalampag din ng mga ito ang pamahalaan na magsulong ng programa para sa kalusugan ng mga teacher.
Hindi lingid sa lahat na maraming guro ang nagkakasakit dahil sa stress at dami ng trabaho sa mga paaralan.
Matatandaang may naitala pang kaso ng suicide ng isang guro kamakailan, dahil sa umano’y dami ng trabaho at pagod sa pagtuturo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.